Monday, October 6, 2014

“BAHAY KUBO” NI PURISIMA AT VK SA MALABON UNTOUCHABLE

BINUKSAN na sa media ni PNP Chief, Director General Alan Purisima ang kanyang tahanan sa San Leonado, Nueva Ecija para mahusgahan ng taumbayan kung ito nga ay mansyon gaya ng mga ulat, o kaya ay simpleng bahay lang gaya ng sabi ni Purisima.


Gusto kasing patunayan ni Purisima na ang nasabing bahay na mali ang mga ulat na aabot umano sa mahigit P50-milyon ang kabuuang halaga ng nasabi niyang pag-aari.


Kung babasehan, parekoy, sa mga larawan pa lamang ay may katotohanan nga ang naunang mga ulat na ito ay isang mansyon!


Marangya, malawak ang kinatitirikang lupain, magarbo maging ang garahe, hindi ordinaryong materyales ang ginamit at may swimming pool.


Sa totoo lang, para sa kagaya natin na isang timawa, ang makahipo man lang sa nasabing bahay ay isa ng malaking kagalakan!


Huh!


Inggit nga ako! Pwe!


At naniniwala tayo, parekoy, na ito rin ang magiging paniwala ng naghihikahos nating kababayan.


Lalo na ang mga nasa “slum area.”


Pero para kay Gen. Purisima at sa kanyang among nasa Palasyo, ang nasabing pag-aari ng heneral ay isa lamang ordinaryong bahay!


King-ina! Ba’t hindi pa ninyo sabihin na ‘yan ay isa lamang “bahay kubo!”


Para naman may katwiran kayong pare-pareho na manatili pa talaga sa poder.


Dahil kulang pa, parekoy, ang hinarbat ng mga animal!


Biruin mo, sa tagal na nila sa pwesto eh, “bahay kubo” pa lang talaga ang kanilang naipupundar.


Hala sige, nakaw pa kayo! Mga letse!


-o0o-

Matindi, parekoy, ang galit ni Malabon Chief of Police Col. Severino P. Abad, Jr.


‘Yan ay dahil sa napaulat na binibitbit ni Video Karera (VK) king Buboy Go ang pangalan ng butihing opisyal.


Matatandaan na patuloy na ipinangangalandakan ni Go, na hangga’t regular ang pagdalaw sa kanya ng bagman ni COP ay hindi matitinag ang pwesto ng kanyang mga makina.


Op-kurs, hindi tayo naniniwala rito sa ipinagyayabang ni Go.


Dahil wala namang “bagman” si Tsip.


At lalong hindi siya nagpapaikot sa mga iligalista!


‘Yan ang aking pagkakaalam!


‘Di ba hepe?


Kaya naman inaasahan na natin, parekoy, na kikilos si Kernel para patunayang mali ang ipinagyayabang ni Go.


At para patunayan na rin ang ating paniniwala na wala siyang konek sa nasabing VK king.


Kumbaga, inaasahan na, parekoy, na halibasin ni kernel ang lahat ng makina ni Go na naglipana ngayon sa halos lahat ng sulok ng Malabon!


Kung kalian? ‘Yan ang hindi ko kayang sagutin! Hak, hak, hak! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



“BAHAY KUBO” NI PURISIMA AT VK SA MALABON UNTOUCHABLE


No comments:

Post a Comment