Wednesday, October 8, 2014

Konsumo ng kuryente, tataas ng P0.10 kilowatt

TATAAS ng P0.10 kada kilowatt hour (kWh) ang konsumo ng kuryente ngayong Oktubre.


Sinabi ni Meralco Communications head Joe Zaldariaga, na ang pagtaas ay dulot ng pag-angat ng generation charge matapos ang limang araw na tigil-operasyon ng Malampaya noong Setyembre 8 hanggang 12.


Dahilan ito para gumamit ng mas mahal na panggatong o liquefied fuel ang Sta. Rita at San Lorenzo powerplants kapalit ng natural gas na isinusuplay ng Malampaya.


Nakaambag din sa power rate increase ang pagtaas ng buwis, transmission charge at iba pa.


Paliwanag ni Zaldariaga, ang isang kustomer ng Meralco na kumukonsumo ng 200 kWh ay madadagdagan ng P20 sa kanilang bills ngayong Oktubre.


Matatandaang noong Setyembre, nagbaba ang Meralco ng P0.58 kada kWh na singil sa kuryente. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Konsumo ng kuryente, tataas ng P0.10 kilowatt


No comments:

Post a Comment