MAS lumalaki na umano ang tiwala ni Pangulong Aquino kay Senador Grace Poe bilang kandidato sa pangka-pangulo ng Liberal party sa 2016.
Ito’y sa gitna ng mababang trust rating ng pangunahing napipisil ng LP para sa pagka-presidente na si DILG Secretary Mar Roxas.
Ayon sa isang source na tumanggi munang magpabanggit ng pangalan, “the president is now investing on Senator Grace Poe.”
Tiniyak din ng source na si Senador Fracis “Chiz” Escudero na ang mamanukin ng LP sa pagka-bise presidente bagama’t malabo pa rin aniya kung sino kina Roxas at Poe ang ie-endorso ni PNoy.
Taliwas naman dito ang pananaw ni Iloilo Rep. Jerry Trenas na nagsabing ang endorsement ni PNoy ang seselyo ng panalo ni Roxas sa 2016 presidential elections.
Si Trenas na siyang party whip ng LP sa Visayas na kung pagbabasehan ang track record ni Roxas at sasamahan pa ng basbas ng pangulo ay sigurado ng unbeatable ito.
Ginawa ni Trenas ang pahayag na ito para soplahin ang pasaring ng mga kalaban ng LP na walang winnable candidate ang administration party. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment