INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang 70-anyos na japanese national na umano’y nagbaril sa sarili sa loob ng isang firing range sa Ermita, Maynila.
Hindi na umabot nang buhay sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Sugaya Shiou, naka-check in sa Executive Plaza, Mabini St., Ermita, Maynila.
Sa imbestigasyon ni PO2 Crispino Ocampo ng MPD-HS, naganap ang insidente sa Shooter Firing Range sa 1153 Alhambra St., Ermita, Maynila kahapon.
Nauna rito, umarkila ito ng cal. 45 na baril at nagulat na lang umano ang kasama nito nang itutok ng biktima sa kanyang bunganga ang baril saka kinalabit.
Agad isinugod sa nasabing ospital ngunit dead-on-arrival na ang biktima.
Nakita naman sa CCTV record sa loob ng firing range ang ginawa ng biktima, inaalam pa rin ng pulisya kung posibleng may foul play sa pagkamatay nito. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment