MARCOS, ILOCOS SUR – Isang lola na bigtime drug pusher ang inaresto matapos maaktuhang nagbebenta ng bulto-bultong shabu sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Marcos sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Marcos chief-of-police S/Insp. Arnel Tabaog, ang suspek ay nakilalang si Eufricina Bayudan, 62, ng Bgy. Elizabeth, sa nasabing bayan.
Ani Tabaog, nakumpiska sa suspek ang bulto-bultong shabu na nakalagay sa isang malaking ice bag na kakukuha lamang sa isang bus line.
Nahuli ang suspek sa tulong ng isang undercover agent na nagpanggap na buyer. Agad na pinosasan ang suspek pagkatapos ibigay ang nasabing shabu.
Nahaharap ngayon sa kasong Anti-iilagal Drug Act ang suspek na nakakulong ngayon sa Marcos detention cell. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment