NASA kritikal na kondisyon ang isang 27-anyos na lalaki matapos tangkaing magpatiwakal sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili at pag-inom ng lason.
Patuloy na ginagamot sa ospital si Mark Aliperio dahil sa tinamong mga sugat sa leeg at tiyan nang saksakin ang sarili, maliban sa pag-inom ng zinc phospide na isang uri ng lason.
Sa inisyal na imbestigasyon, iinumin na sana ni Aliperio ang lason na tinunaw nito sa bote ng mineral water ngunit naagaw ito ng kaanak na si Lady May Humpay.
Ngunit pagdating sa Dumarao Medicare Hospital na unang pinagdalhan dito, bigla na lamang kinuha ni Aliperio ang gunting at isinaksak sa kanyang leeg ng tatlong beses.
Kasunod nito, tumakbo pa ang binata papasok sa isang bahay at kinuha ang kutsilyong ipinangsaksak sa tiyan.
Naawat naman ito ng mga kaanak at isinugod na sa Roxas Memorial Provincial Hospital.
Ayon sa mga kaanak, apat na araw na walang tulog ang biktima habang patuloy ang pag-iinom ng alak na walang laman ang tiyan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment