Friday, October 3, 2014

Blood type sa, ID pasado sa Kamara

LUSOT na sa ikalawang pagbasa ang paglalagay ng blood type sa mga identification cards (ID) na inisyu ng gobyerno.


Batay sa consolidated version na House Bill 5018, ang mga ID na sakop ng panukala ay birth certificate, SSS ID, GSIS ID, LTO at PNP.


Ayon sa otor na si Tarlac Rep. Susan Yap, makatutulong ang paglalagay ng blood type ng isang tao sa kanyang government ID upang sakaling may emergency o aksidente ay madali itong mabibigyan ng medical treatment tulad ng blood transfusion.


Kasama rin ang pasaporte at PRC ID card sa mga ID na dapat ay may blood type.


Ang DoH ay may mandato na makipag-ugnayan sa mga implementing agencies upang makabuo ng mga rules and regulations para sa epektibong pagpapatupad sakaling maging batas ang panukala. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Blood type sa, ID pasado sa Kamara


No comments:

Post a Comment