NASA kustodiya na ngayon ng Southern Luzon Command, Explosive Ordinance Disposal (SOLCOM EOD) sa Camp General Nakar ang nakuhang mga vintage bomb sa Lucban Public Cemetery sa Lucban, Quezon.
Sa ulat ng Quezon Police Provincial Office, nakuha umano ang 22 vintage bomb ni Eladio Magbujos, 39.
Nauna rito, nagpuputol umano ng mga matataas na damo sa sementeryo si Magbujos nang makita niya ang napakaraming bomba malapit sa puno ng acasia.
Ayon sa EOD team, isang uring ng japanese hand grenade ang nasabing mga bomba na pinaniniwalaang ginamit noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Nakatakda namang i-detonate ng SOLCOM EOD ang nasabing mga bomba. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment