MARARANASAN ngayong Lunes maulan na pahaon sa Mindanao at mga bahagi ng bansa dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).
Mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang aasahan sa Mindanao, Gitnang Visayas at mga lalawigan ng Palawan, Leyte, Negros Occidental, Ilocos Norte at Cagayan.
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Gener Quitlong, asahan pa rin ang may kainitang panahon pero may pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
May gale warning pa rin sa Northern at eastern seaboard ng Northern Luzon; pinapayuhan ang maliliit na bangkang pangisda na huwag munang pumalaot.
Samantala, tuloy naman ang pagpasok sa PH area of responsibility (PAR) ng Typhoon Vongfong sa Miyerkules.
Ito’y babansagang Bagyong Ompong pagpasok sa teritoryo ng bansa.
Una nang itinaya na magre-recurve o papalayo sa bansa rin ang direksyon nito matapos makapasok ng PAR. Hindi ito direktang makakaapekto sa bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment