SUSUBUKAN ng senado na makipagtulungan sa kamara para gumawa ng isang joint resolution na magbibigay ng emergency powers kay Pangulong Noynoy Aquino.
Ito’y upang masolusyunan ang naging babala ng Department of Energy (DOE) na nakaambang krisis sa kuryente sa susunod na taon.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kung siya ang tatanungin bilang senador, pabor siya sa paggagawad ng emergency powers kay PNoy dahil sa ito ang nakikita niyang paraan upang mapataas ang generating capacity ng bansa.
Iginiit ni Drilon ang Section 17 ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA na may kapangyarihan ang Pangulo na gamitin ang lahat ng resources upang dagdagan ang suplay ng kuryente sa pamamagitan ng emergency powers na ipapasa ng kongreso.
Gayunman, nakasaad din sa naturang batas na nagbabawal sa gobyerno na pumasok sa anumang kontrata. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment