Monday, October 6, 2014

Suplay ng kuryente malapit sa Mt. Mayon, puputulin

PINAPLANO ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na putulin ang suplay ng kuryente sa mga barangay na nasa loob ng six at six-to-eight kilometer permanent danger zone ng Bulkang Mayon.


Ayon kay Albay Governor Joey Salceda, nais nilang gawin ito para na rin sa kaligtasan ng mga evacuees na pilit umuuwi sa kanilang mga tahanan sa kabila ng pag-aalburuto ng bulkan.


Tiniyak ni Salceda na ginagawa nila ang lahat upang hindi mainip ang evacuees tulad na lang ng paglalagay ng telebisyon sa ibang evacuation centers, pagtugtog ng banda, pagpapalabas ng mga mascot o clown at community building exercises.


Kasabay nito, ipinabatid ng opisyal na nakatakda nang simulan sa linggong ito ang pagbibigay ng livelihood and economic opportunities sa mga residenteng apektado ng nag-aalburutong bulkan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Suplay ng kuryente malapit sa Mt. Mayon, puputulin


No comments:

Post a Comment