MUKHANG mauunsyami ang planong pag-angat ni Senador Alan Peter Cayetano sa mas mataas na posisyon sa ating pamahalaan.
Malinaw kasi sa survey na isinagawa ng Pulse Asia na nanatiling kulelat pa rin si Mang Alan sa labanan ng pagka-Pangulo o sa pagka-Pangalawang Pangulo ng bansa.
Sa madali’t salita, mukhang wa epek sa sambayanang Filipino ang ginagawa nitong paggiba kay VP Jojo Binay gayung ang agenda naman ng kanyang paglalantad sa katiwalian ng pamilya ng Pangalawang Pangulo ay bumango sa isipan ng publiko lalo’t higit sa masang mamboboto.
Maging ang milyon-milyong ginastos sa pondo ng Taguig City para sa infomercial nito sa telebisyon ay nagmistula ring walang silbi dahil hindi ito nakatulong sa kanyang pagpapapogi.
Kitang-kita sa lumabas na survey na dedma ang publiko sa gimik na ito ni Alan na asawa ni Aling Lani kaya’t dapat nang umisip ng kakaiba pang gimik ang mambabatas na taga-Taguig baka sakaling umangat siya ng puwesto.
Ipinakita sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na mas lumagapak pa si Alan sa survey dahil noong June ay nakakuha siya ng 5 porsyento samantalang sa huling survey ng naturang kompanya na isinagawa noong ikalawang linggo ng Setyembre ay sumadsad pa ito sa isang porsyento na lang.
Pursigido si Alan na maging Pangulo ng bansa pero mukhang mananatili na lang itong pangarap dahil gaya noong nakaraang senatorial polls ay inasam niya ang numero unong puwesto pero dinaig pa rin siya ni Senador Grace Poe, na isang bagito sa larangan ng politika.
###
Tama ang payo ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian sa mga Chinoy na maging alerto at handa sa lumalalang kriminalidad sa ating bansa.
Malinaw sa mambabatas na taga-Valenzuela na hindi dapat mag-rely sa mga alagad ng batas ang mga Chinoy at sa halip ay dapat itong gumawa ng sariling hakbang para sa kanilang kaligtasan.
Ang advice ni Gatchalian ay maging pro-active ang mga Chinoy kagaya ng pagkuha ng sariling security para mailang sa kanila ang masamang loob.
Tama lamang ang suhestyon ng kinatawan dahil kitang-kita naman kung gaano na kalala ang kriminalidad sa bansa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment