Sunday, October 5, 2014

HALATAIN ANG ISANG SENADOR; PULIS-PASAY UTAK NG SUGAL

KUNG umasta ang isang senador sa mga pagdinig na ginaganap sa Senado ay aakalain mong supertino at walang sinasanto o sinisino.


Pero tanga lang, parekoy, ang hindi makahahalata na iba ang kanyang tinitingnan at iba naman ang tinititigan!


Gaya na lang noong humarap sa Senado si PNP Chief, Director General Alan Purisima ukol sa sandamakmak na yamang pinaniniwalaan na kinulimbat nito.


Natural, parekoy, na kahit sinong magnanakaw ay may tinirintas na kasinungalingang pantakip sa kabulastugan.


Ngunit ang matinong tagapakinig ay madaling makahalata kung ang isang katwiran ay “paliwanag” nga ba o “palabo!”


Gaya na lang sa “palabo” na ibinigay ni Purisima kaugnay sa isang magarang sasakyan na ibinenta umano sa kanya ng isa’t kalahating milyon lang!


Gayung ang tunay na presyo ay nasa anim na milyong piso! King-ina!


Sa puntong ito, at sa lahat ng isyung pangungulimbat laban kay Purisima ay hindi kumbinsido ang mga senador na inosente ang heneral.


Maliban sa isang senador na halatang “magiliw” pa sa suspek, este, sa resource person!


Na imbes mag-pokus sa isyung PNP white house, mansyon at magarang sasakyan ni Purisima na hindi deklarado ang tunay na halaga ay sa ibang direksyon itinutok ng senador ang kanyang katanungan.


Sa “riding-in-tandem!” Hak, hak, hak! Bwisit!


Sana po senator, kung hindi mo rin lang kayang parehasin ang pakikitungo sa lahat ng resource person, o kaya ay hindi mo rin lang kayang busisiin ang “lahat” ng pangungulimbat ay manahimik ka na lang! Masyado kang halatain, Mr. Senator! Hmmp!


-o0o-


Dahil bundat na si Pasay City COP Col. Melchor Reyes at SPD Director C/Supt. Jose Erwin Villacorte kaya hindi natitinag ang mga makinang Video Karera na inilatag sa PCP-2 ng pulis na si SP01 Latore.


‘Yan ang ipinagyayabang ni sarhento!


At kung ‘yun nga raw “white house” ni Gen. Purisima na milyones ang halaga ay pinalalagpas ng kapulisan at maging ng Palasyo, bakit naman sisilipin ang kanyang VK machines? Oo nga naman.


Ano sa tingin mo, NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria?


Mukhang may katwiran naman si sarhento Jonathan, ‘di ba?


Kaya panawagan natin sa kapulisan sa Pasay at/o Kamaynilaan, sundan na ninyo ang yapak ni sarhento. At ni PNP Chief!


Maglatag na kayo ng lahat ng maaari ninyong ilatag na iligal.


Tutal barya lang kung ihahambing ang mga ito sa kinasasangkutang anomalya ng mga hijo-de puta!


Go lang, sarhento! King-ina! BURDADO/JUN BRIONES


.. Continue: Remate.ph (source)



HALATAIN ANG ISANG SENADOR; PULIS-PASAY UTAK NG SUGAL


No comments:

Post a Comment