Thursday, October 2, 2014

2k naabo sa sunog

AABOT sa P200,000 halaga ng ari-arian ang naabo matapos tupukin ng apoy ang isang residential house sa Cubao, Quezon City kaninang umaga, Oktubre 2, Huwebes.


Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) fire marshall chief Supt. Jesus Fernandez, naganap ang insidente sa 37 Sgt. Catalos cor. Egea, Cubao, QC dakong 5:13 ng umaga.


Sinabi sa ulat na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Thelma Guray, 50, sa isang electrical wiring na mabilis kumalat sa buong kabahayan.


Umabot ang apoy sa ikatlong alarma at ganap na na na-fire out dakong 5:45 ng umaga. SENTI CELARIO


.. Continue: Remate.ph (source)



2k naabo sa sunog


No comments:

Post a Comment