Wednesday, October 1, 2014

May ilang factor pa rin sa ex!

NAGKASAMA ngayon ang mag-ex na sina Sheena Halili at Rocco Nacino sa bagong serye ng GMA 7 na Hiram na Alaala. Aminado si Sheena na may ilang factor at kung minsan ay nabubulol pa siya. Hindi naman daw maiiwasan ‘yun.


Pero walang problema kay Sheena na makatrabaho ulit si Rocco.


Nagkaroon naman daw sila ng closure nung maghiwalay sila nu’ng March 2013 kaya okey na sila nu’ng magkita.


Happy naman daw siya para kay Rocco sa bagong karelasyon nitong si Lovi Poe. May ibang buhay na rin siya at nagi-entertain din siya ng mga manliligaw na non-showbiz.


Anyway, lalong umiinit ang “Hiram na Alaala”. Kaparehong pinatawag sa headquarters sina Ivan (Dennis Trillo) at Joseph (Rocco Nacino) para sa biglaang deployment sa kanilang field assignment. Hindi natuloy ang date nina Joseph at Andrea (Kris Bernal) kaya habang papaalis ang sasakyan ni Joseph at humahabol si Andrea, pasigaw na nag-propose ng kasal ang binata.


Nasaktan nang husto si Bethany (Lauren Young) nang tumanggi si Ivan sa kasal.


Sa kanilang field inspections, naka-engkuwentro nina Ivan at Joseph ang mga rebelde.


Inalok naman sila pareho ni Yasmin (Sheena Halili), ang dalagang iniligtas nila, na gagawan sila ng tattoo ng Apo niyang mambabatok bilang pasasalamat. Nagbiro pa si Ivan na tingin niya’y “type” ni Yasmin si Joseph.


-0o0-


Mag-ina ang role nina Dennis Trillo at Jackielou Blanco. Pabor si Jackielou na tawaging bagong Drama King si Dennis. “think he deserves the title. After all that he has done, all the roles that he has played, not only on TV but in the movies also.”


Si Christopher de Leon ang original na Drama King.


“He still is, ‘di ba? So ano lang, ibang panahon, ibang henerasyon, ‘di ba? Parang ganun lang ‘yun, e.”


Samantala, mabait ang character niya sa Hiram na Alaala hindi gaya sa Genesis na salbahe siya.


Tsuk! XPOSED/ROLDAN CASTRO


.. Continue: Remate.ph (source)



May ilang factor pa rin sa ex!


No comments:

Post a Comment