Monday, October 6, 2014

High school stude niratrat sa traysikel, todas

BUMULAGTA sa loob ng sinasakyang traysikel ang isang fourth year high school student habang sugatan naman ang nagmamaneho nito nang ratratin ng armadong lalaki sa Pangasinan town kaninang umaga, Oktubre 6.


Naitakbo pa sa pagamutan ang biktimang si Christian Moreno, 16, ng Bgy. Caramutan pero namatay din ito sanhi ng tinamong tama ng bala ng M16 riffle sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan.


Nadaplisan naman ng bala sa katawan at nagpapagaling na lamang sa ospital ang traysikel drayber na si Victoriano Meniano, 41, ng Bgy. Piaz, Villasis, Pangasinan.


Hindi naman tinamaan ang nobya ni Moreno na si Judy Ann Lustina, 16.


Blangko pa ang Villasis PNP sa pagkakakilanlan ng suspek at motibo sa pagpatay sa biktima.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa isang bisinidad ng national highway sa Bgy. Piaz.


Bago ito, sumakay ang magnobya sa traysikel ni Meniano mula sa kanilang eskwelahan.


Pero pagdaan sa nasabing lugar, niratrat ng suspek ang traysikel na sakay ang magnobyo pero si Moreno at Meniano lamang ang tinamaan.


Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang may 14 na basyo ng bala ng M16 riffle.


Teyorya naman ng pulisya na ang target lang talaga ng suspek ay si Moreno at nadamay lamang si Meniano. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



High school stude niratrat sa traysikel, todas


No comments:

Post a Comment