TIGBAK ang isang hindi kilalang babae matapos pagbabarilin sa Culiat, Quezon City kagabi, Oktubre 5, Linggo.
Inilarawan ang biktima na tinatayang 30 – 35 anyos, katamtaman ang pangangatawan, 5’2 – 5’3 ang taas, kayumanggi ang kulay.
Ayon kay PO3 George Gacuan ng Quezon City Police District Public Information Office (QCPD-PIO), naganap ang isidente sa Libyan corner Sulu St., Salam Compoud, Culiat, QC dakong 7:45 kagabi.
Sinabi sa ulat na naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang sunod-sunod itong pagbabarilin ng hindi kilalang suspek.
Matapos ang insidente, nakita ng mga residente sa lugar ang duguang bangkay ng biktima na nakabulagta sa kalye.
Sinisiyasat pa ng mga pulis ang naturang kaso. SANTI CELARIO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment