ISANG acting vehicle ang pelikulang The Trial kay John Lloyd Cruz kasi he’s playing the role of a mentally challenged person who was accused of rape by the character of Jessy Mendiola. May pagka-thriller ang movie kasi hindi mo masisiguro kung nagawa bang i-rape ng character ni Lloydie si Jessy sa movie.
Talaga raw iniwasan ni John Lloyd na gayahin ang pagganap ng isang retarded ng kapwa niya actor na sina Piolo Pascual at Gerald Anderson kasi gusto niyang magkaroon ng sarili niyang atake at interpretasyon sa pagganap ng isang sintu-sinto. And judging by the trailer ay mukhang matagumpay na nagawa naman niya ito.
Malaki ang pressure para kay JL na maging isang certified blockbuster ang movie kasi siya lang mag-isa ang magdadala nito. Walang Bea Alonzo o Sarah Geronimo na kapareha niya ang katulong niya sa pang-engganyo niya na panoorin ang pelikula.
Magpagayunpaman, nagpapasalamat siya sa pagbibigay sa kanya ng tiwala ng Star Cinema para gawin ang proyekto. Isang malakin break at hamon sa kanya to do a straight drama at hindi naman roncom movie for a change. Isang magandang experience rin daw sa kanya na mahawakan ng ibang magaling na direktor tulad ni Chito Rono.
***
Si Tom Rodriguez ba ang binanggit ni Princess sa I DO na dating karelasyon niya na nagkaroon siya ng trauma dahil nagiging bayolente ito kapag nag-aaway sila? Hindi na binanggit ni Princess ang pangalan ng ex-BF niya on air kasi katwiran niya may career na raw ito ngayon (kaya mahirap magbanggit ng pangalan kasi baka makasira lang). Matatandaan na nagkasama sina Tom at Princess noon sa PBB at nagkamabutihan sila habang nasa loob sila ng Bahay Ni Kuya. Matatandaan din ng viewers na na-forced evict noon si Tom Mott (tunay niyang pangalan sa PBB) dahil uminit ang ulo nito at nasuntok pa ang pader.
Well, all of this are mere speculations unless Pincess or Tom would come forward to confirm or deny this. Anyway past is past at mukhang happy naman si Tom sa kanyang latest ladylove na si Carla Abellana. Same is true with Princess na masaya na rin with current boyfriend Harry na isang foreigner. Sayang nga lang at nag-volunteer na sina Princess at Harry na umalis na sa I DO Village in last Sunday’s episode. Mukhang hindi naman sila pwedeng ikasal kasi ayaw pa ring mag-grant ng divorce ang ex-wife ni Harry hanggang ngayon.
***
Isang malaking tagumpay ang Hug Me Campaign ng PsorPhils headed by Josef de Guzman na pati ang mga ibang bansa ay ginagaya na rin ito! Approximately 2M Filipinos are plagued with this uncurable skin disease and for most of them isang malaking trauma ang pagkakaroon nito kasi iniiwasan sila ng kapwa nila sa pag-aakalang nakakahawa ito which is not true.
This is the very reason kung bakit nag-come out na si Paolo Bediones at pumayag siyang maging celebrity spokesperson for PsorPhils. “I had psoriaris all my life at itinago ko ito dahil sa stigma na dulot nito. Lalo pa na ako ay nasa showbiz kung saan lahat ng tao ay nage-expect na basta artista ka, dapat flawless ka. Kaya naman panay ang gamit ko ng body make-up para pagtagpan ang lesions ko sa balat.
Pero ngayon hindi ko na kinakahiya ang pagkakaroon ko nito kasi hindi naman ito nakahahawa. Marami pa ang nasa showbiz ang may psoriaris at naiintindihan ko naman kung bakit ayaw pa rin nilang mag-come out tulad ko,”pahayag ni Paolo.
***
Travel through time ang concept ng 19th anniversary presentation ng Bubble Gang na ipapalabas na this month. Abangan!!! EEEWWW/TONEE CORAZA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment