NADAKIP ng mga awtoridad ang isang guro matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Tirzo Duran, 44, guro sa isang pampublikong paaralan sa nasabing bayan.
Nahuli ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinag-isang pwersa ng PNP-Nabua at ng mga miyembro ng 5th Regional Public Safety Batallion.
Nakuha sa kanyang bahay ang dalawang sachet na may lamang pinaniniwalaang shabu, P500 marked money at ilang drug paraphernalia.
Agad na hinuli si Duran at dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang mga narekober na mga ebidensya.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment