DAHIL hindi binigyan ng pambili ng alak, kinuryente ng isang lalaki ang kanyang sariling ina sa Cotabato nitong Linggo ng gabi, Oktubre 5.
Namatay agad sanhi ng malakas na boltahe ng kuryente na pumasok sa katawan ng biktima na sadyang hindi pinangalan.
Nahuli naman agad at nakakulong na ngayon sa Midsayap PNP detention cell ang 31-anyos na suspek na hindi nakuha ang pangalan.
Naganap ang insidente nitong Linggo ng alas-7:35 ng gabi sa likod ng bahay ng biktima.
Bago ito, humihingi ng pera ang suspek sa kanyang nanay pero hindi ito binigyan dahil ipambibili lamang ito ng alak.
Sa galit, sinabitan ng suspek ng live wire ang sampayan nila habang naglalaba ang kanyang nanay.
Nang matapos sa paglalaba, nagsampay na ang ginang at nakuryente.
Napag-alamang lasing ang suspek nang maganap ang insidente. Naaresto ito kaagad sa tulong ng mga tanod sa lugar.
Sa presinto, inamin ng suspek ang krimen at sinabing gusto lamang niyang dalain ang kanyang nanay pero hindi niya akalaing mamamatay ito. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment