KINALOS ng Gilas Pilipinas ang mahinang Mongolia, 84-68, subalit hanggang pang-pitong puwesto lang ang nakayan ng kanilang panalo sa kampanya nila sa 17th Asian Games men’s basketball sa Incheon, Korea kahapon.
Bigo ang team sa pinangakong gold medal at ang nasabing puwesto ang pinakamasamang resulta ng bansa sapul noong 1951.
Nalasap ng Phl team ang unang bangungot noong 1966 sa 5th Asiad sa Thailand at pangalawa sa 16th asiad noong 2010 sa China na parehong tumapos sa sixth places.
May naitala ang Nationals na 3-4 win-loss record, nanalo sila sa India at Kazakhstan at ang mga talo ay sa China, host SoKor, Iran at Qatar.
Si Ranidel de Ocampo ang nanguna sa opensa ng Gilas matapos ilista ang 25 points at 11 rebounds, 11 pts. at 12 rebounds naman ang kinana ni June Mar Fajardo habang sina Gabe Norwood at LA Tenorio ay may tig-11 pts. din. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment