INUGA ng magnitude 5.5 na lindol ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao kaninang madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ito kaninang ala-1:38 ng madaling-araw.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 64 kilometro sa hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
May lalim itong 16 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang malaking pinsalang inaasahan kaugnay ng naturang lindol. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment