INIIMBESTIGAHAN ngayon ang sunod-sunod na pagmamaril na ikinamatay ng tatlong miyembro ng isang pamilya sa Hayes St., Bgy. 40 sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Ito’y matapos isinunod na barilin ang parking boy na kinilalang si Jundy Maron, 27, habang abala sa pagbabantay ng mga nakaparadang motorsiklo sa tapat ng isang tanyag na unibersidad sa Hayes-Corrales Streets sa lungsod kagabi.
Inihayag ni P/Insp Bernard Collegio, deputy station commander ng Cogon Police Station 2 na hanggang ngayon ay nanatili pang naglunsad ng pursuit operation ang kanilang mga tauhan laban sa naka-motorsiklong suspek.
Tinamaan si Maroon ng tatlong bala mula sa 9mm. pistol kaya agad dinala sa pagamutan subalit paglipas ang ilang oras ay binawian din ng buhay.
Sinabi ni Collegio na maaring alitan sa customers o kaya’y personal na bangayan ang posibleng rason na kanilang tinitingnan sa pagkabaril sa biktima.
Salaysay pa ng mga katrabaho ni Maron na wala umano itong nakaaway sa pagsilbi nitong park boy sa lugar.
Maging si Divisoria Police Station 1 spokesperson SPO1 Porferio Calasang ay nagkumpirma na madalas niya itong makita sa lugar at matiyaga sa kanyang trabaho.
Si Maron ay anak ni Patricio at Gng. Maron na magkasunod na binaril ng motorcycle-in-tandem habang nasa loob ng kanilang bahay noong Setyembre 2012.
Napag-alaman na paggawa ng lapida ang hanapbuhay ng pamilya Maron. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment