Saturday, October 4, 2014

Flying V, nagpatupad ng rollback ngayong Linggo

INILARGA ng Flying V ang kaltas-presyo sa produktong petrolyo ng gasolina at diesel ngayong Linggo, Oktubre 5.


Inanunsyo ng Flying V, alas-12:01 Linggo ng madaling-araw ang P0.10 kaltas sa kada litro ng gasolina habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel.


Wala pang abiso ang ibang kumpanya kung susunod sa bawas-presyo.


Ang rollback ay bunsod ng preyuhan na ipinatutupad sa world market. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Flying V, nagpatupad ng rollback ngayong Linggo


No comments:

Post a Comment