NAKAKASA na ang kilos-protesta ng mga guro para sa ipanawagan ang P10,000 across the board wage increase para sa kanilang hanay.
Matatandaang tahasang binanggit ng Malakanyang, sa pamamagitan ng tagapagsalita nito na walang aasahang paggalaw sa sahod ang mga kawani ng pamahalaan, kabilang ang mga guro sa 2015.
Sinabi ni Benjie Basas, na hanggang nitong Linggo, nasa 3,000 na ang nagkumpirma na dadalo sa protesta laban sa maliit na pasweldo sa mga guro.
Sa ngayon, hindi sapat ang nasa P18,549 ang buwanang sahod ng mga entry level na guro.
Binanatan din nito ang Pangulong Noynoy Aquino na nananatiling tahimik sa usapin ng umento sa sahod.
Hinimok nito ang mga kapwa guro na dumalo protesta. Alas-10:00 ngayong umaga aniya sila magkikita-kita sa Bonifacio Shrine sa Maynila ang mga guro mula sa CALABARZON, North Luzon, Central Luzon at Bicol.
Matapos ang isang salo-salo alas-12:00 ng tanghali, magsisimulang magmartsa ang mga guro na sasabayan ng ilang pagkilos sa Cebu, Digos City at Davao City. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment