KAHIT yata martilyuhin sa bayag ay talagang paninindigan ni PNP Director General Alan Purisima ang pangungunyapit sa puwesto.
Dahil sa kanyang pagdalo sa Senate inquiry noong nakaraang araw, Setyembre 30, walang ipinakitang senyales na siya’y aalis sa Camp Crame.
Sa kanyang pagharap sa mga senador, pinabulaanan ni Purisima ang mga paratang na katiwalian na ibinabato ng kanyang mga detractor.
Pero kung hihimayin, hindi detalyadong nasagot ang mga paratang ng Coalition of Filipino Consumers, ang grupong nagsiwalat ng kanyang kayamanan.
Sayang ang ibinigay na pagkakataon ng mga senador dahil sa naturang inquiry sana ang tamang venue para masagot ang mga akusasyon.
Kumbaga, duda pa rin ang sambayanan na nang dahil sa ibinulgar na tagong yaman ng CFC ay biglang sumiklab ang galit sa PNP chief.
Mula sa pag-upo sa silya sa loob ng inquiry room, hanggang sa tumayo at lisanin ang gusali ng Senado, walang narinig kay Purisima na bibitawan niya ang kanyang posisyon.
Ikaw ba naman ang ipagtanggol ng Pangulo, eh, talagang ngang mangungunyapit ka sa puwesto kahit na sangkatutak pa ang ipinaparatang na katiwalian sa iyo.
KUDOS KAY KAP. CONSTANCIO DANAO
Bidang-bida si Chairman Constancio Danao ng Camp 7, Baguio City sa pagkukwento ng kapatid natin sa hanapbuhay na si Rolly ‘idol’ Garcia.
Taal na taga-Caloocan si idol Rolly pero sa tuwi-tuwina ay bumibisita ito sa Baguio para dalawin ang kanyang resthouse sa Camp 7.
Sa mahigit isang dekada niyang paparoo’t parito sa tinawag na summer capital of the Philippines, walang pagbabago ang kanilang lugar.
Pero nang si Kap. Danao na, aniya, ang naging kapitan, unti-unting gumaganda ang Camp 7, pagyayabang na kwento sa atin ni idol Rolly.
Labis na pinupuri ni idol ang pagsasaayos ni Kap. Danao sa mga kalsada na dati’y maputik pero pinasemento na ng magaling na bgy. leader.
Pero syempre, ‘di magiging tagumpay si kapitan bilang lingkod-bayan kundi sa suporta ng mga kasama niya sa brgy hall na sina Nety Tiyab, Rommel Beltran at mga kagawad na sina Angelita Ramos, Juan Baldo, Arthur Alfonso, Marcelina Pucdo, Janet Lorena, Joel Buena at Susan Habbing.
Mabuhay po kayo lahat, Chairman Danao. CHOKEPOINT/BONG PADUA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment