Tuesday, October 28, 2014

PNoy walang balak tumakbo sa 2016 elections – Palasyo

TINIYAK ng Malacañang na walang balak tumakbo si Pangulong Noynoy Aquino sa 2016 elections kaya hindi makikialam sa ingay ng politika.


Ito’y sa harap ng batuhan ng putik ng kampo nina Vice-President Jejomar Binay at Interior Sec. Mar Roxas sa pamamagitan ng kanilang Oplan Nognog at Oplan Maligno.


Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wala siyang panahon para makisawsaw sa may kinalaman sa halalan sa 2016.


Ayon kay Lacierda, nakatutok lamang sila sa pagtugon sa mga kinakaharap na problema ng bansa.


Magugunitang lumutang ang interes ng Pangulong Aquino sa ikalawang termino at nakikinig daw sa boses ng mamamayan.


Nguinit ayon sa Pangulong Aquino, kanya itong tinuldukan at tanging ‘judicial overreach’ ang nais niyang makamit sa hangaring maamyendahan ang Saligang Batas imbes sa haka-hakang nag-aambisyon ng re-election sa 2016. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy walang balak tumakbo sa 2016 elections – Palasyo


No comments:

Post a Comment