Thursday, October 2, 2014

Bangkay ng mangingisda, nagpalutang-lutang sa Cebu

PATAY na lumutang ang isang mangingisda sa gitna ng karagatan sa lungsod ng Barili, Cebu.


Nakilala ang biktima na si Fortunato Montemayor, 65.


Ayon kay PO3 Ramon Patalinghug, lumabas sa isinagawang autopsy ng Municipal Health Unit sa katawan ng biktima na inatake ito sa puso habang nangingisda.


Kasama ni Montemayor ang kanyang pamangkin na si Danilo Ricaplaza sa pangingisda ngunit hindi nito namalayan ang pangyayari dahil may kalayuan ang ang kanilang puwesto.


Ayon kay Danilo, maayos naman ang kalagayan ng kanyang tiyuhin bago niya ito iniwan sa laot.


Ngunit nang binalikan niya ito, nakita niya na lamang na patay na at nakabalot sa lambat saka nagpalutang-lutang sa dagat.


Napaiyak na lamang siya aniya at agad humingi ng tulong upang madala ang bangkay ng kanyang tiyuhin sa pamilya nito.


Wala ng magawa ang pamilya nito kundi ang umiyak habang inihimlay ang bangkay nito sa isang punerarya. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Bangkay ng mangingisda, nagpalutang-lutang sa Cebu


No comments:

Post a Comment