Thursday, October 2, 2014

P3M cash at alahas, natangay sa Iloilo

NATUKOY na ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nanloob sa isang bahay at tumangay ng halos nasa P3-milyon halaga ng pera at alahas sa Ajuy, Iloilo.


Sinabi ni Police S/Insp. Ronnie Brillo, hepe ng Ajuy PNP, dalawang suspek ang pumasok sa bahay na pag-aari ni Gng. May Hervasia at tinangay ang nasa P800,000 na cash at P2-milyong halaga ng alahas habang wala ito.


Iniimbestigahan na sa ngayon ng mga pulis ang katulong sa bahay na pinagdududahang kasabwat ng mga magnanakaw dahil walang nakitang forcible entry sa bahay.


Nagpadagdag pa sa hinala ng pulis nang umalis ang katulong matapos ang insidente at namataan kasama ang mga itinuturong suspek.


Sa impormasyon ng mga pulis, ang dalawang suspek ay sangkot rin sa ilang kaso ng carnapping. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



P3M cash at alahas, natangay sa Iloilo


No comments:

Post a Comment