NAGDULOT na mataas na pagbaha sa ilang bahagi ng Kamaynilaan ang pagbuhos ng malakas na ulan kahapon.
Sa ulat, umabot ng hanggang beywang ang naranasang baha sa magkabilang lane sa bahagi ng R. Papa dahil sa tatlong oras na walang patid na pagbuhos ng ulan.
Gayundin sa España, Lacson, Quezon Avenue at bahagi ng P. Tuazon, tapat ng Manila City Hall na umabot naman hanggang tuhod.
Hanggang tuhod din ang baha sa magkabilang lane ng RMB Pureza.
Bunsod nito, maraming mananakay ang stranded at ang mga sasakyan ay hindi makadaan sa nasabing mga lugar dahil sa baha.
Una nanh nag-abiso ang PAGASA na magkakaroon ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat alas-7:30 ng gabi na tatagal naman ng tatlong oras. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment