Saturday, October 4, 2014

2 Grade 3 pupil nagsuntukan, 1 patay

PATULOY na iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) – Cebu Province kaugnay sa suntukan ng dalawang Grade-III students ng Vito Elementary School sa Bgy. Kangkaibe, Bayan ng Bantayan, Cebu na ikinasawi ng isa.


Ayon kay DepEd Provincial supervisor Dr. Arden Monisit, kanyang sinabi na ang legal team ay nasa isla na ng Bantayan upang suriin ang tunay na pangyayari sa insidente.


Ayon pa kay Monisit, pagkatapos ng imbestigasyon ay doon pa malalaman kung may liability ba ang pamunuan ng paaralan.


Una rito, kahapon ng tanghali habang lunchbreak ay nakita ng mga kaklase ang dalawang mag-aaral na nagsuntukan sa loob mismo ng campus.


Mabilis umano ang pangyayari at nakita na lang ang apat na beses na pagsuntok sa batok ng biktimang si Jiel Chris Desamparado.


Bigla umanong nanghina ang biktima kaya agad itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan ngunit idineklara na itong dead-on-arrival.


Ang suspek ay 10-anyos habang ang biktima naman ay siyam na taong gulang lamang.


Sa ngayon, ang suspek ay nasa kustodiya na ng DSWD para mapasailalim sa counselling. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



2 Grade 3 pupil nagsuntukan, 1 patay


No comments:

Post a Comment