SA miyerkules o Huwebes, inaasahang papasok sa teritoryo ng Pilipinas ang isang bagong low pressure area (LPA).
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Fernando Cada, na kapag pumasok ng PAR ang severe tropical storm na may international name na Vongfong na nasa bahagi na ng Guam, ay tatawaging Ompong.
Kung magpapatuloy anya ito sa pagkilos pa-kanluran hilagang-kanluran, posibleng sa Miyerkules o Huwebes ay papasok ito ng PAR line.
“Pero ang kanya pong track o halos direksyon ay pa-recurve o moving away from the country katulad po ng bagyong si Neneng at wala naman po talagang direktang magiging epekto sa malaking bahagi ng bansa,” pagtaya ni Cada.
Dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ), magiging maulap na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Visayas, Bicol Region, Caraga at Mindoro.
Habang maaliwalas pero may kainitang panahon pa rin ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa pero maghanda pa rin sa pulo-pulo at biglaang pag-ulan sa hapon.
Bagama’t nasa labas pa ito ng PAR, pinalalakas pa rin nito ang alon sa mga baybayin sa northern seaboard ng Northern Luzon.
Dahil dito, nakataas ang gale warning sa Batanes, mga isla ng Calayan, Babuyan maging sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, La Union at Pangasinan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment