PATULOY ang pagpapakita ng Mayon volcano ng senyales ng nauudlot na pagsabog kasunod ng isa pang naitalang rock fall event sa loob ng 24-oras na obserbasyon, ayon sa ulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Bukod pa rito, nagbuga din ang bulkan ng puting usok na bumaybay patungong silangan-timog-silangan ang naobserbahan. Wala namang napansin na crater glow nitong nakaraang Sabado ng gabi, ayon sa Phivolcs bulletin.
Samantala, nananatiling nasa alert level 3 ang probinsya ng Albay sa Bicol na ang ibig-sabihin na may pangambang pagputok ng bulkan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment