Sunday, October 5, 2014

2 paslit tigbak sa tumagilid na bus

NALASOG sa malagim na aksidente ang dalawang paslit habang may 33 naman ang nasugatan nang tumagilid ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa Albay, kaninang umaga, Oktubre 5.


Dead-on-arrival sa Bicol Regional Hospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan ang mga biktima na sina Baby Jane Abrigo, 12, at isang batang lalaki na hindi nakuha ang pangalan.


Isinugod naman sa iba’t ibang ospital sanhi ng iba’t ibang pinsala ang may 33 pasahero na kalalakihan at kababaihan.


Sumuko naman agad sa pulisya at nahaharap sa kasong 2 counts ng reckless imprudence resulting in Homicide serious physical injury at slight physical injury ang suspek na si Romel San Buenaventura, drayber ng Don Don Liner Bus.


Sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-9 ng umaga sa Bgy. Kimantong sa Daraga, Albay.


Bago ito, binabaybay ng Don Don Liner bus, na biyaheng Sorsogon patungong Legazpi, ang kalsada sa nasabing barangay nang bigla na lamang itong tumagilid sa pababa at kurbadang bahagi.


Tumagilid sa kaliwa ang naturang bus at nawasak ang bubungan at natanggal ang dalawang gulong sa hulihan.


Nilinaw naman ni Albay Provincial Director Sr. Supt. Marlo Meneses na bukod sa dalawang namatay, may 33 naman ang sugatan at ngayon ay ginagamot sa mga ospital.


Sa mas malalim na imbestigasyon, natanggal ang muwelye sa likuran ng bus kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber ng bus. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



2 paslit tigbak sa tumagilid na bus


No comments:

Post a Comment