Tuesday, October 28, 2014

Bryant handa nang umatake

HANDA ng umatake ni 2008 Most valuable Player (MVP) Kobe Bryant matapos ang mahabang pahinga dahil sa kanyang injury.


Umpisa na bukas ang 2014-15 National Basketball Association (NBA) at makakaharap ng koponan ni Bryant na Los Angeles Lakers ang ang malakas na Houston Rockets.


Bago ang kanilang laro, pinaringgan ni Bryant ang kanyang mga kritiko na nagsasabing bawas na ang lalaruin ng dating two-time NBA Finals MVP.


“I know what I do out there in practice every day. You guys don’t see it,” ani Bryant pagkatapos ng kanilang ensayo. “My teammates know, but you guys don’t see it. You haven’t seen what you’ll hopefully see in the regular season.”


Nalimitahan sa anim na laro si Bryant nakaraang last season matapos maka-recover sa kanyang Achilles tendon surgery at fractured left kneecap.


Ang pagsalang ni Bryant sa court ang unang regular-season game niya mula noong Dec. 17 nakaraang taon.


Nagpakita si 6-foot-6 forward na si Bryant ng kanyang mga dating galaw sa final three preseason games matapos mag-average ng 26.6 points.


Ayon sa bagong coach ng Lakers na si Byron Scottm may posibilidad na mag-average si Bryant sa pagitan ng 30-40 minutes per game.


Hindi rin nag-aalala si Scott na palaruin si Bryant ng back-to-back games.


“Every day we were waking up putting the puzzle back together,” saad ni Bryant. “It’s like the house had been smashed down to rubble and you know you got to build it back up, stone by stone, brick by brick.”


Ang ibang laro ay Orlando Magic kontra New Orleans Pelicans at Dallas Mavericks laban sa defending champion San Antonio Spurs. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bryant handa nang umatake


No comments:

Post a Comment