PATAY ang isang paslit matapos malunod sa pinaglalaruan sapa kasama ang nakababatang kapatid na babae sa Valenzuela City, Huwebes ng hapon, Oktubre 2.
Dead-on-arrival sa Valenzuela Emergency City Hospital si Antonio Luis Garcia, 3, ng Suha Bilog, Bakangkas ng lungsod.
Batay sa ulat, alas-3 ng hapon, kalaro ng biktima ang kanyang nakababatang kapatid na babae sa kalapit na sapa nang madulas at mahulog sa tubig ang una.
Nagsisigaw ang kapatid ng biktima na narinig naman ng mga kapitbahay at nagtulong-tulong na hagilapin sa tubig ang bata at nang maiahon ay agad na dinala sa VECH. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment