Thursday, October 2, 2014

4 babaeng estudyante, sugatan sa hazing

BINMALEY, PANGASINAN – Apat na babaeng high school student ang malubhang nasugatan nang dumaan sila sa “hazing” rites sa isang grupo ng estudyante sa isang eskwelahan sa Binmaley, sa nasabing lalawigan, kaninang tanghali, October 2.


Samantala, dalawang estudyante ang inaresto ng mga kinaukulan na ang isa’y minor, dahil sa isinagawang hazing.


Sa ulat, nagkaroon ng matinding pasa sa likod ng kanilang binti ang mga estudyante na nangyari sa isang bahay sa Bgy. Naguilayan, sa nasabing bayan.


Napag-alamang pinagpapalo ang mga biktima ng makapal na paddle hanggang sila’y manlambot.


“Hindi namin inaasahan ang frat na ganoon, ganito ang gagawin sa amin, ‘yung paddle aano sa amin. Akala namin pakikipagkaibigan lang,” ayon sa isang biktima.


“Piniringan kami tapos pinaddle kami.” Sambit pa ng isa sa mga biktima.


Isang guro ang nakapansin sa mga estudyante at inimpormahan ang kanilang magulang na siyang humingi ng tulong sa lokal na pulis.


Sinabi ni school’s guidance counselor, Benedict Fernandez, sa mananagot ang mga gumawa ng nasabing hazing.


“Mahigpit na mahigpit pinagbabawal ang pagsama at pagbuo ng anumang fraternity o sorority sa labas man o sa loob, kung saan ang estudyante ay nasasaktan,” ani Fernandez.


Inaresto ng mga pulis ang 19-taong-gulang at isang menor-de-edad na umano’y sangkot sa hazing na tumanggi namang may kinalaman sila sa krimen.


Nagre-recruit umano ang mga ito ng mga miyembro ng fraternity sa pamamagitan ng text messages. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



4 babaeng estudyante, sugatan sa hazing


No comments:

Post a Comment