SAN FERNANDO, LA UNION – isang training aircraft na pinapalipad ng isang pilot student ang aksidenteng nag-crash sa San Fernando Airport sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga, August 20.
Ang nasabing aircraft na pagmamay-ari ng isang flying school ay hindi nakapag-landing ng maayos kaya sumadsad sa damuhan ng runway sa nasabing airport.
Sa radio report, unang sabak pa lamang ng pilot student sa pagpapalipad ng eroplano nang mag-isa.
Maayos naman ang kalagayan ng estudyante at naibalik ang operation ng airport.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang lokal na otoridad hinggil sa insidente. Allan Bergonia
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment