Thursday, August 21, 2014

Bahay ni PNoy sa QC, sinugod ng militante

NAGING maaksyon ang pagdiriwang ng ika-31st death anniversary ni dating Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino nang magkasikuhan ang pulisya at tropa ng militante malapit sa bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Quezon City, kaninang umaga, Agosto 21.


Nagtagumpay naman ang mga pulis na nasa lugar para maitaboy ang mga miyembro ng Samahan ng Ex-detainees Laban sa Detensyon at Aresto (SELDA) na tinangkang lumapit sa bahay ng mga Aquino sa Times St., Q.C. dakong 9 ng umaga.


Bitbit ng mga militante ang placards na may imahe ni incumbent President Aquino at ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.


“Biktima ni Macoy noon, biktima ni Noynoy ngayon,” saad ng mensahe sa isa sa mga larawan, na ang tinutukoy ay ang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Aquino government. Robert Ticzon


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahay ni PNoy sa QC, sinugod ng militante


No comments:

Post a Comment