Thursday, August 21, 2014

Importer ng prutas binalaan

BINALAAN ng plant quarantine personnel sa Ninoy Aquino International Airport ang mga importer ng prutas na walang health permit.


Ang shipment na makikitaan ng prutas na walang kaukulang permiso ay agad na kukumpiskahin, ayon kay Plant quarantine officer Bart Mesolania.


Ang babala ay konektado sa nakumpiskang 2,164 kilograms ng cherries na inilipad mula sa Canada via Philippine Airlines flight PR119 nitong nakaraang August 10.


Sa kabila ng magiging sagana nito sa potassium na nakaka-regulate sa heart rate at blood pressure saka nakakabawas ng posibleng sintomas ng hypertension at stroke, ang importasyon ng prutas na walang kakukulang health permit ay maaaring may dalang Mediterranian fruit fly (Ceratitis capitata) na orihinal na nagmula sa sub-Saharan Africa, at Queensland fruit fly (Bactrocera tryon), na galing Australia.


Dagdag pa ni Mesolania, ang pinakamatinding mapanira ay ang larvae na ang pangunahing pagkain ay ang prutas at nananatili ito sa prutas hanggang sa lumaki.


Aniya, mahigpit nilang hinaharang ang cherries na hindi dumaan sa masinsing screening dahil hindi madaling mapaalis ito at napakamahal ng eradikasyon para sa ganitong uri ng langaw kapag pumasok sa bansa.


Ayon kina Customs Intelligence and Investigation Service Joel C. Pinawin at Ram Pernia, ang shipment ng cherries ay walang import permit mula sa Bureau of Plant Quarantine, at Phytosanitary permit na makukuha sa port of origin.


Ang shipment ng cherries, na nakalagay sa chillers para hindi ito masira, ay nauna ng inilagay sa alert order na ang consignee ay ang Bagong Silang Cooperative.


Inirekomenda ng CIIS ng warrant of seizure and detention sa opisina ni Customs District III Collector Edgar Macabeo dahil sa paglabag sa PD 1433 at DA Administrative Order No. 18, Series of 1978 and 2000.


Nabatid na wala ng intensyon pang kunin ng consignee ang nasabing cherries sa PAL cargo warehouse dahil na rin sa alert order. Benny Antiporda


.. Continue: Remate.ph (source)



Importer ng prutas binalaan


No comments:

Post a Comment