Wednesday, August 27, 2014

Suspek sa pagkamatay ni Orly Navarro, hawak na ng pulisya

DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Nahuli kahapon ang isang lalaki na siya umanong bumaril kay DWIZ radio station manager Orlando “Orly” Navarro sa Dagupan City sa nasabing lalawigan.


Kinilala ng Dagupan City Police ang suspek na si Rolando Apelado Lim, Jr., 46, ng Barangay Pantal, sa nasabing lungsod.


Ayon sa pulisya, may nakakita kay Lim na siyang lumapit sa biktima at binaril ito habang nakikipag-usap sa isang tricycle driver malapit sa kanilang bahay kahapon ng madaling-araw.


Ngunit ayon naman kay Lim, ang binibintang sa kanya ay isang kasinungalingan at hinamon niya ang mga ito na mag-ballistics test upang malaman kung nagpaputok siya ng baril o hindi.


Si Navarro, 54, ay nabaril sa dibdib at namatay kahapon, ala-1:00 ng madaling-araw habang nakikipag-usap sa isang tricycle driver.


Samantala, kinondena ng Pangasinan media group ang pagkakabaril kay Navarro at sinabing ang insidente ay isa na namang banta sa buhay ng mga mamamahayag. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



Suspek sa pagkamatay ni Orly Navarro, hawak na ng pulisya


No comments:

Post a Comment