Wednesday, August 27, 2014

15-anyos, hinalay ng pinsan

NAHAHARAP sa kasong rape in relation to RA 7610 o Child Abuse ang isang 26-anyos na lalaki nang ireklamo ito ng panggagahasa ng 15-anyos nitong pinsan sa Parañaque City sa ulat kahapon.


Iprinisinta kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez ang suspek na si Marvin Repalda, makaraang maaresto ng mga rumespondeng barangay tanod sa kanilang lugar matapos ireklamo ng kanyang pinsan na itinago sa pangalang “Christina”.


Sa salaysay ng biktima sa Women’s and Children Protection Desk ng Parañaque City Police, naganap ang panghahalay sa kanya ng suspek sa loob ng kanilang bahay sa Silverio Compound, Barangay San Isidro, ng naturang lungsod noong Agosto 22 ng hatinggabi.


Nakikipag-inuman umano siya sa live-in partner ng kanyang pinsan kasama ang dalawa pa sa loob ng kanilang bahay.


Dahil sa kalasingan umano ng biktima, pumunta siya sa kanilang banyo upang magpababa ng tama ng alcohol.


Lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan umano siya ng kanyang pinsan at doon na siya pinagsamantalahan.


Kinabukasan ay nagsumbong ang biktima sa kanyang magulang kaya agad silang nagtungo sa kanilang barangay hall dahilan para maaresto ang suspek.


Napag-alaman na ang ama ng biktima ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa habang ang kanyang ina ay isang vendor kaya’t mag-isa lamang noong gabi ang biktima nang maganap ang panghahalay dito. Jay Reyes


.. Continue: Remate.ph (source)



15-anyos, hinalay ng pinsan


No comments:

Post a Comment