Wednesday, August 27, 2014

Kelot, natagpuang patay sa kanal

MISTULANG nalunod ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos makitang patay at nakalublob sa kanal sa tapat ng ginagawang building sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling-araw, Agosto 27.


Tinatayang edad 40 – 50 ang biktima, naka-sandong maroon at pantalon.


Base sa ulat, alas-5:40 ng madaling-araw, naglalakad ang tanod na si Francis Manabat nang makita ang biktima na nasa ilalim ng kanal sa ginagawang Floor Center Establishment sa Rizal Avenue, Grace Park ng lungsod.


Ipinaalam ng saksi sa mga pulis ang nakita ngunit wala namang palatandaang pinatay ang biktima kaya inaalam pa ang ikinamatay ng biktima. Rene Manahan


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, natagpuang patay sa kanal


No comments:

Post a Comment