PATAY ang presidente ng homeowners association matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek sakay ng motorsiklo habang nakabantay sa kanyang vulcanizing shop sa Caloocan City Biyernes ng tanghali, Agosto 22.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Ereneo Constanti, 55, ng Doña Ana st., Camarin ng lungsod.
Sa ulat, alas-11 ng tanghali ay nakabantay ang biktima sa kanyang vulcanizing shop sa tapat ng kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga suspek na naka-bonnet ng itim.
Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek kung saan inaalam na kung may kaugnayan sa pagiging presidente ng samahan ang motibo sa krimen. Rene Manahan
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment