INIUTOS ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang agarang pagsuspende sa ilang tow trucks at tauhan ng RWM Towing Services.
Ayon kay Moreno “talamak na ang reklamo ng pang-aabuso ng ilang towing trucks ng RWM at mga tauhan nito.
“Nagpadala na ako ng direktiba kay MTPB Director Carter Logica na isuspende “indefinitely” ang dalawang tow trucks ng RWM at apat na mga tauhan nito”, sabi ni Vice Mayor Moreno.
Dagdag niya “hindi natin pwedeng i-tolerate ang ganitong mga gawain kung kaya ako’y nakikiusap sa mga motorista na nakaranas ng abuso na agad i-report ito sa aking opisina”.
Ayon pa kay Moreno, nagtayo siya ng OVM Complaint Desk sa kanyang opisina na didinig at mag-iimbestiga sa mga naabuso ng mga nasabing tow trucks.
Nilinaw naman ng bise alkalde na hindi lahat ng hinihila ng tow trucks ay iligal dahil mahigpit lang talaga ang pagpatupad nila na wala dapat “obstruction” sa mga kalye.
Nakiusap din si Vice Mayor Moreno sa RWM towing at iba pang pribadong towing company sa Maynila na ingatan ang mga nahilang sasakyan na lumabag sa batas trapiko at dapat handa silang managot kung sakaling sampahan sila ng kaso tungkol dito.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment