Thursday, August 21, 2014

Pork barrel, ipinababalik ng CoA kay Sen. Marcos

IPINABABALIK ng Commission on Audit (COA) kay Sen. Bongbong Marcos ang P10 milyon pondo mula sa pork barrel na napunta sa bogus na foundation ni Janet Lim-Napoles.


Kaugnay nito, mariing itinanggi ni Marcos na hindi niya nakausap, nakasama at lalong wala umanong transaksyon kay Napoles kaugnay ng kanyang pork barrel projects.


Nabatid na naglabas ng notice of disallowance ang COA sa pamumuno ni Romeo Limara na ipinag-uutos ang pagsauli ng nasa P10-million pondo mula sa pork barrel ni Marcos na napunta sa Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. ni Benhur Luy.


Pero ayon kay Marcos walang katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanya at handa nitong patunayan sa hukuman. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Pork barrel, ipinababalik ng CoA kay Sen. Marcos


No comments:

Post a Comment