Thursday, August 21, 2014

LPA, nagpaparamdam na sa Luzon

NAGPAPARAMDAM na sa Luzon ang papalapit na low pressure area (LPA) na inaasahang magdudulot ng mga pag-ulan sa susunod na araw.


Batay sa ulat ng PAGASA, kaninang umaga ay namataan ang LPA sa layong 470 kilometro sa Silangan ng Virac, Catanduanes.


Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na umiiral sa Visayas.


Wala pang direktang epekto ang LPA sa bansa pero nagpaparamdam na ng mga pag-ulan sa bahagi ng Palawan, Visayas, maging Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao dahil sa mga local thunderstorms. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



LPA, nagpaparamdam na sa Luzon


No comments:

Post a Comment