TINATAYANG 100 kabahayan sa Brgy. North Manuangan, Pigcawayan, North Cotabato ang lubog sa baha.
Ito’y dulot ng pag-apaw ng malaking ilog sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao.
Inaasahang tataas pa ang lebel ng tubig-baha sa bayan ng Pigcawayan dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan.
Dagdag-perwisyo rin sa mga residente ang sinasabing palpak na proyekto ng Department of Public Works and Highways-12 na gumagawa ng tulay sa Brgy. North Manuangan kung saan naharangan nito ang daloy na tubig sa ilog at umapaw sa mga kabahayan at sa National Highway. Marjorie Dacoro
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment