Monday, August 25, 2014

Paslit sa Koronadal, nabarahan ng P5 coin sa lalamunan

INAALAM na ang dahilan kung paano nalunok ng isang walong-taong gulang na batang babae ang P5 coin na bumara sa lalamunan.


Nakatakdang dalhin sa lungsod ng Davao ang biktima na kinilalang si Nelly Huligangs, ng Purok Maligaya, Bgy. Magsaysay, Koronadal para sumailalaim sa operasyon.


Bago ito, natuklasan na umiiyak ang bata dahil sa sakit ng kanyang lalamunan at hindi nito masabi kung paano niya ito nalunok.


Makikita naman sa X-ray result na isinagawa sa bata ng South Cotabato Provincial Hospital ang baryang nakabara sa lalamunan nito.


Ayon sa tiyo ng biktima, mula Provincial Hospital ay ini-refer sila sa isang pribadong hospital dahil wala umanong espesyalista na siyang magtatanggal ng barya sa lalamunan ng bata. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Paslit sa Koronadal, nabarahan ng P5 coin sa lalamunan


No comments:

Post a Comment