Monday, August 25, 2014

Parusang bitay, ipinababalik

MULING ipinanawagan ang pagpapatupad ng death penalty law dahil sa paglala ng karumal-dumal na krimen sa bansa.


Ang panawagan ay kasunod nang paghahatid sa huling hantungan sa 26-anyos na rape-slay victim na si Anria Espiritu sa Calumpit, Bulacan.


Ayon sa civil society groups na nakiisa sa paghingi ng hustisya sa pagkamatay ni Espiritu, dapat nang ipatupad ang parusang kamatayan dahil hindi na natatakot sa batas ang mga kriminal.


Taong 2006 nang pirmahan ng dating Pangulong Gloria-Arroyo ang batas na nagbabasura sa death penalty samantalang iginiit naman ni Senador Vicente Sotto III nitong Enero ang Senate Bill 2080 na humihiling na buhayin ang parusang kamatayan sa bansa.


Gayunman, sinabi ng Pangulong Noynoy Aquino na dapat pag-aralan ang posibleng pagbuhay sa death penalty law dahil ang mahalaga ay ayusin muna ang justice system ng bansa. Johnny F. Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Parusang bitay, ipinababalik


No comments:

Post a Comment